People have been asking me about my new DVD. The title of the series is PISOBILITIES, which is a combination of the words PISO and POSSIBILITIES. Together, the words mean the ability to manage your one peso and the ability of your one peso to work for you.
Maraming nagtatanong tungkol sa bago kong DVD, na ang pamagat ay Pisobilities. Ito ay kombinasyon ng mga salitang PISO at POSSIBILITIES. Kapag pinagsama ang mga ito ay bumubuo ng bagong salita na ang ibig sabihin ay ang kakayahan ng tao na palaguin ang piso at ang kakayahan ng piso na kumita para sa tao.
PISOBILITIES is a series of DVDs for EDUTAINMENT, again a combination of the words EDUCATION and ENTERTAINMENT. EDUTAINMENT simply means that you will learn in a very amusing and happy way.
Ang Pisobilities ay isa sa serye ng mga DVD para sa EDUTAINMENT, na isa na namang kombinasyon ng mga salitang EDUCATION at ENTERTAINMENT. Ang ibig sabihin ng EDUTAINMENT ay matututo ka sa isang paraan na nakakatuwa at masaya.
The first of PISOBILITIES DVD series is “BAK POR GUD” which establishes the need to have the proper financial mindset before one embarks on the journey to financial independence. It is a story of Bayani “Bay” Babalato, an OFW from Dubai who is home after being retrenched from his job. He is now unemployed and has dwindling savings. Playing the role of Bay is award-winning character actor Soliman Cruz (2006 Best Performance by an Actor in a Supporting Role Drama, Musical or Comedy, Golden Screen Awards for “Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros, 2005 and Nominated in 2007 for Gawad Urian Best Supporting Actor “Kasal, Kasali, Kasalo”).
Ang unang DVD para sa seryeng Pisobilities ay ang “BAK POR GUD,” kung saan itinuturo ang kahalagahan ng tamang pananaw na pinansyal para sa mga gustong tahakin ang landas patungo sa kalayaang pinansyal. Inilalahad nito ang kwento ni Bayani “Bay” Babalato, isang OFW na umuwi dito sa Pilipinas mula sa Dubai matapos matanggal sa trabaho niya doon. Ngayon ay wala siyang trabaho at paubos na ang ipon. Ang gumaganap sa papel na Bay ay ang batikang aktor na si Soliman Cruz, na nanalo na ng mga award sa pag-arte (2006 Best Performance by an Actor in a Supporting Role Drama, Musical or Comedy, Golden Screen Awards para sa Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros, 2005 at nominado rin siya noong 2007 na Gawad Urian Best Supporting Actor para sa pagganap niya sa Kasal, Kasali, Kasalo).
What happened to Bay can happen to anyone, whether you are here or abroad. Everyone should plan and be ready for emergencies. The plot is very entertaining. Even more interesting is the very important educational content. I am part of the DVD where I give easy to understand lectures interspersed with the story. In addition, there are episodes from RUSH TV featuring the students from POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES whom I have had the opportunity to interact with over the past months.
Ang nangyari kay Bay ay pwedeng mangyari kahit kanino, nasa Pilipinas man o nasa ibang bansa. Kaya nga lahat tayo’y dapat talagang maghanda para sa mga di inaasahang pangyayari. Nakakaaliw ang kwento, pero lalong maganda ang mga liksiyong itinuturo nito. Bahagi rin ako ng DVD; nagbibigay ako ng mga liksiyong madaling maintindihan sa ilang piling bahagi ng kwento. Di lang iyon—meron ding mga programa mula sa RUSH TV na kasama ang mga estudyante ng Polytechnic University of the Philippines na nakasama at nakausap ko nitong mga nakaraang buwan.
The primary audience for “Bak Por Gud” are OFWs and their families. OFWs can really identify with “Bay” to discern if they are indeed ready to be “back for good”. Although the story line is centered on OFWs, it covers family finance. To reach financial independence, the entire family should be involved.
Ang “Bak Por Gud” ay ginawa talaga para sa mga OFW at sa kanilang mga pamilya. Siguradong makikita nila ang sarili nila kay “Bay,” na sana’y makapagbigay linaw sa isipan nila kung handa na nga ba silang umuwi at manatili na sa Pilipinas. Kahit tungkol sa mga OFW ang kwento, tinatalakay pa rin nito ang mga isyung pinansyal ng pamilya. Para makamit ang kalayaang pinansyal, kailangan ay magtulungan ang buong pamilya.
The need for financial literacy is a universal concern that Filipinos from all walks of life can easily relate to. Financial literacy is not just about numbers. It is about mindset. Many are unable to read my books for many reasons. Here is the opportunity to learn in an easy and affordable way by just watching and being entertained. It is a perfect guide for you and your loved ones.
Ang pangangailangan ng sapat na kaalamang pinansyal ay isang isyu na maiintindihan ng bawat Pinoy. Hindi lang ito tungkol sa pera, kundi tungkol din sa tamang pananaw. Maraming di makabasa ng mga libro ko dahil sa iba’t ibang dahilan. Ngayon ay abot-kamay na ng lahat ang mga itinuturo ko—napakadali na dahil sa DVD na ito. Mura na, madali pang panoorin at talagang nakakaaliw. Tamang-tama ito para sa inyo at sa inyong mga mahal sa buhay.
It is available at most audio-video stores within the Philippines or by mail order which can be delivered to you door-to-door. Just call 637-3741 or 637-3731 or 0917-853-7333.
Ang DVD ay mabibili sa halos lahat ng mga tindahan ng audio at video CD sa Pilipinas, at pwede ring makabili nito sa pamamagitan ng pag-order; pwede ring ipahatid ng door-to-door. Tuwawag lang sa 637-3741, 637-3731 o 0917-853-7333.